Poetry of My Native Tongue, Language of My Heart
I was rummaging through my closet, looking for my graduation pictures, when I unearthed a poem that I wrote once upon a time.Enter into the mind of a second year high school student who thought he knew how it was to love.
Rosas
Paulit-ulit tumatawag sa akin ang iyong ganda
Bumibighani sa aking mga mata
Mula sa talulot mong pula at nakasara
Nahahanap ko ang sa aki'y nagpapasaya
Bango mo't halimuyak ako'y namangha
Tila rito ang papantay ay wala
Kaya't ako sa iyo'y naaakit tuwina
Sa pagmamahal sa iyo'y wala akong panangga
Ikaw ay tinatangi, sa isip ko'y laging hinahagkan
Ikaw ay nilagay ko sa aking kataas-taasang panagimpan
Ikaw ay aking minamahal, pinaka-iingat-ingatan
Pag-ibig ko sa iyo, akin laging tangan-tangan
Ngunit natatago sa ilalim ng iyong bulaklak
Mga tinik, mga pantusok na nakakasindak
Kaya't pag ika'y hahawakan, sila ay tatarak
Sa kamay ko, sila'y mag-iiwan ng mahapding tatak
Ngunit kahit na dugo ko'y patuloy na tumulo
Pagtangkang ibigin ka'y hindi mahihinto
Pagkat wari ako'y hindi na matututo
Pag-ibig ko sa iyo, mali ma'y totoo
Ang napakalalim na sugat na sa iyo'y nagmula
Iniisip ko na lamang, na iyo'y hindi sadya
Iniisip ko na lamang, na ako ang may kasalanan
Iniisip ko na lamang, ika'y walang kinalaman
Kaya't heto akong muli
Sa iyo'y nabibighani
Masaktan man akong lagi
Sa iyo lahat ng aking sandali
Huwag kang mag-alalang baka ako'y muling masugatan
Basta't ikaw ang dahilan, ayos lamang iyan
Ika'y iniibig, iniibig kita ngayon
Ika'y iibigin sa habang panahon